Monday, October 21, 2013

Rebolusyong Pilipino

Rebolusyong Pilipino





Nagsimula ang Himagsikang Pilipino noong Agosto 19, 1896. Marami ang naaresto at ikinulong na mga Katipunero matapos nadiskubrehan ng mga Espanyol ang Katipunan. Wala nang mapagpilian pang pinuno maliban kay Andres Bonifacio. Ang pagpunit ng cedula sa mga Katipunero ay sumisimbolo sa paglaya ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Ang pagpunit ng kanilang cedula sa Pugadlawin. Ito ang opisyal na pagsisimula ng mga Katipunerong Pilipino laban sa mga Espanyol. Pero ang Sigaw sa Pugadlawin para sa kalayaan ng Pilipinas bilang isa ay mula sa kolonyalismong Espanyol. Ito ang nagbigay-daan sa pagtatag ng Pilipinas na nakilala bilang pinaka-unang republika sa Asya.
      
Matapos magsimula ang rebolusyon sa Cavite, dalawang Pamahalaang Rebolusyonaryo ang sabay na umiral sa probinsya. Ito ay ang Pamahalaang Magdalo at ang Pamahalaang Magdiwang. Pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo ang Pamahalaang Magdalo at ang namumuno sa Magdiwang ay si Mariano Alvarez. Pero ang dalawang pamahalaan ay ayaw magtulungan sa pagtanggol ng kanilang teritoryo laban sa mga Espanyol. Bunga nito, unting-unti nang nabawi ng mga Espanyol ang Cavite.
Ang paghahati ng mga rebulosyonaryo sa Cavite ang nagtulak kay Andres Bonifacio bilang pinuno ng Katipunan. Layunin ni Bonifacio ang pagtungo sa Cavite ang muling pagbuuhin ang mga Katipunero. Nagpatawag siya ng pagpupulong sa mga kinatawan ng Magdalo at Magdiwang sa Tejeros. Ang pagpupulong na ito ay nakilala sa tawag na “Kumbensiyong Tejeros”.

 
Ngunit sa halip na maayos ang pagkahati ng mga rebulosyonaryo, ang Kumbensiyong Tejeros ay nagbunga ng malaking suliranin sa buong bansa.

Sa halalan, nahalal ang bagong pangulo ang Pamahalaang Rebulosyonaryo na si Emilio Aguiinaldo, pangalawang pangulo si Mariano Trias, kapitan heneral si Artemio Recarte, direktor ng pandigmaan sa Emiliano De Dios, at direktor na panloob si Andres Bonifacio. Hindi sumangayon si Daniel Tirona sa posisyon ni Bonifacio dahil ang posisyong direktor na panloob ay dapat isang abogado. Dahil sa pangyayaring ito, pinawalang-bisa ni Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan.

Nagkaroon ng maikling labanan sa bayan ng Indang, Cavite upang arestuhin sa Bonifacio. Nang nagtamo ng malalim na sugat sa lalamunan si Bonifacio, agad siyang inaresto. Noong Mayo 10, 1897, ang lahat ng katipunerong hinuli ay pinatay na walang kaawa-awa at si Bonifacio naman ay binaril sa Bundok Tala sa Maragondon, Cavite.
Sa halip na mgakaroon ng isang pamahalaan, lalo itong nagkawatak-watak. Ang bunga ng pagkamatay ni Bonifacio ay ganap na nanghina ang Himagsikan.
Matapos namatay ni Bonifacio, bumagsak ang Cavite sa kamay ng mga Espanyol. Noong Nobyembre 1897, itinatag ni Aguinaldo ang isang bagong pamahalaan sa Biak-na-Bato. Tinawag itong “Republika sa Biak-na-Bato”.
 
Noong Hunyo 12,1898 ay ang pagproklamasyon ng Kalayaan sa Pilipinas. Ang musika ng pambansang awit ng Pilipinas ay ginawa ni Julian Felipe. Samantala, sila Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa naman ang gumawa ng pambansang watawat. Sa deklarasyong ito, maipapakita sa mundo na ang Pilipinas ay isang malayang bansa. Dahil dito, nakakapunta na ang mga Pilipino sa labas ng Pilipinas o sa ibang bansa.

2 comments: