Nasyonalismong Pilipino
Naging hadlang ang patuloy ng merkantilismo
sa
malayang
pangangalakal
sa
mga bansang industriyal sa
iba’t ibang lugar sa mundo. Sa ganitong kondisyon isinilang ang pilosopiyang
pang-ekonomiya
na
kapitalismo. Isinulong ng laissez faire ang malayang
pangangalakal at pagnenegosyo sa ibang bansa.
Sa pagpasok ng Pilipinas sa kapitalismo, may
tatlong mahalagang patakaran ang ipinatupad. Ang unang patakaran ay
pagpapahinto ng Kalakalang Galleon. Sunod naman ay ang opisyal nang binuksan
ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Pagkatapos ng Maynila, nagsunud-sunod
ang pagbukas ng iba pang daungan sa Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
Ang pagbubukas ng
Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan ay nagbigay-daan sa matinding pangailangan
sa mga pananim na panluwas o export crops.
Kabilang sa mga produktong ito ang bigas, asukal at iba pa. Bunga nito,
maraming pananim ang iniluwas sa ibang bansa dahil sa pagkaroon ng
pandaigdigang kalakalan.
Sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, nagsimulang makontrol ng ibang bansa ang takbo ng ekonomiya ng bansang Pilipinas. Dahil dito, maraming mabubuting epekto ng pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Isa na dito ang malaking pag-unlad sa impraestruktura ta teknolohiya lalo na sa agrikultura at pangangalakal.
Nagbago ang batayan sa pag-uuri ng tao sa lipunan matapos ang pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Ang kayamanan ang naging bagong batayan. Sa larangan ng yaman at edukasyon, nahigitan na sila ng isang panibagong uri. Tinatawag silang clase media o panggitnang-uri. Hangad nila na magkaroon ng kalayaan at karapatang politika ang mga Pilipino.
Ang nasyonalismo o
makabansa ay nagsimula sa bansang Europa. Ang nangunguna sa mga ito ay ang
pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal. Pinaigsi ng pagbukas ng
Suez Canal ang paglalakbay mula Europa patungo sa Pilipinas. Nagresulta ito sa
medaling pagpasok ng mga aklat sa bansa. Pero ipinagbawal ang pagbabasa ng mga
aklat ang ilang mga Pilipino.
Pansamantalang
nakaranas ng kaunting kalayaan ang mga Pilipino sa pamamahala ng liberal na
gobernador-heneral na si Carlos Maria de la Torre. Ipinatupad niya ang ilang
pagbabago sa lipunan tulad ng pagbabawas sa kontrol ng mga prayle sa edukasyon.
Bunga nito, naging popular siya sa mga liberal na Espanyol at Pilipino.
Ang kamatayan ng
tatlong pari, GomBurZa (Gomez, Burgos, at Zamora) ang nagwakas sa karapatan ng
mga Pilipino. Malaking tulong ang pagiging pari ng GomBurZa sa pagpukaw ng
damdamin ng mga Pilipino.
Matapos ang pagbitay sa
tatlong pari, lumikas ang mga liberal na Pilipino at Espanyol na mga
tagasuporta ng Kilusang Sekularisasyon upang maiwasan nila ang pag-aresto at
pagpatapon ng pamahalaan.
May isang kilusan ang
itinatag sa Europa. Tinatawag itong Kilusang
Propaganda o Kilusang Repormista.
Binubuo ito ng mga mag-aaral na Pilipino at Espanyol. Naging estratehiya ng
Kilusang Propaganda sa paggamit ng mapayapang paraan upang makamit ang mga
layunin nila.
Matapos ang kabiguan ng
Kilusang Propaganda, isang lihim naman na kilusan na itinatag sa Maynila. Ito
ay ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK.
Ang mithiin lang ng KKK o Katipunan ay ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya.
SUS
ReplyDelete