Monday, October 21, 2013

Rebolusyong Pilipino

Rebolusyong Pilipino





Nagsimula ang Himagsikang Pilipino noong Agosto 19, 1896. Marami ang naaresto at ikinulong na mga Katipunero matapos nadiskubrehan ng mga Espanyol ang Katipunan. Wala nang mapagpilian pang pinuno maliban kay Andres Bonifacio. Ang pagpunit ng cedula sa mga Katipunero ay sumisimbolo sa paglaya ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Ang pagpunit ng kanilang cedula sa Pugadlawin. Ito ang opisyal na pagsisimula ng mga Katipunerong Pilipino laban sa mga Espanyol. Pero ang Sigaw sa Pugadlawin para sa kalayaan ng Pilipinas bilang isa ay mula sa kolonyalismong Espanyol. Ito ang nagbigay-daan sa pagtatag ng Pilipinas na nakilala bilang pinaka-unang republika sa Asya.
      
Matapos magsimula ang rebolusyon sa Cavite, dalawang Pamahalaang Rebolusyonaryo ang sabay na umiral sa probinsya. Ito ay ang Pamahalaang Magdalo at ang Pamahalaang Magdiwang. Pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo ang Pamahalaang Magdalo at ang namumuno sa Magdiwang ay si Mariano Alvarez. Pero ang dalawang pamahalaan ay ayaw magtulungan sa pagtanggol ng kanilang teritoryo laban sa mga Espanyol. Bunga nito, unting-unti nang nabawi ng mga Espanyol ang Cavite.
Ang paghahati ng mga rebulosyonaryo sa Cavite ang nagtulak kay Andres Bonifacio bilang pinuno ng Katipunan. Layunin ni Bonifacio ang pagtungo sa Cavite ang muling pagbuuhin ang mga Katipunero. Nagpatawag siya ng pagpupulong sa mga kinatawan ng Magdalo at Magdiwang sa Tejeros. Ang pagpupulong na ito ay nakilala sa tawag na “Kumbensiyong Tejeros”.

 
Ngunit sa halip na maayos ang pagkahati ng mga rebulosyonaryo, ang Kumbensiyong Tejeros ay nagbunga ng malaking suliranin sa buong bansa.

Sa halalan, nahalal ang bagong pangulo ang Pamahalaang Rebulosyonaryo na si Emilio Aguiinaldo, pangalawang pangulo si Mariano Trias, kapitan heneral si Artemio Recarte, direktor ng pandigmaan sa Emiliano De Dios, at direktor na panloob si Andres Bonifacio. Hindi sumangayon si Daniel Tirona sa posisyon ni Bonifacio dahil ang posisyong direktor na panloob ay dapat isang abogado. Dahil sa pangyayaring ito, pinawalang-bisa ni Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan.

Nagkaroon ng maikling labanan sa bayan ng Indang, Cavite upang arestuhin sa Bonifacio. Nang nagtamo ng malalim na sugat sa lalamunan si Bonifacio, agad siyang inaresto. Noong Mayo 10, 1897, ang lahat ng katipunerong hinuli ay pinatay na walang kaawa-awa at si Bonifacio naman ay binaril sa Bundok Tala sa Maragondon, Cavite.
Sa halip na mgakaroon ng isang pamahalaan, lalo itong nagkawatak-watak. Ang bunga ng pagkamatay ni Bonifacio ay ganap na nanghina ang Himagsikan.
Matapos namatay ni Bonifacio, bumagsak ang Cavite sa kamay ng mga Espanyol. Noong Nobyembre 1897, itinatag ni Aguinaldo ang isang bagong pamahalaan sa Biak-na-Bato. Tinawag itong “Republika sa Biak-na-Bato”.
 
Noong Hunyo 12,1898 ay ang pagproklamasyon ng Kalayaan sa Pilipinas. Ang musika ng pambansang awit ng Pilipinas ay ginawa ni Julian Felipe. Samantala, sila Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa naman ang gumawa ng pambansang watawat. Sa deklarasyong ito, maipapakita sa mundo na ang Pilipinas ay isang malayang bansa. Dahil dito, nakakapunta na ang mga Pilipino sa labas ng Pilipinas o sa ibang bansa.

Sunday, October 20, 2013

Nasyonalismong Pilipino


Nasyonalismong Pilipino

Naging hadlang ang patuloy ng merkantilismo sa malayang pangangalakal sa mga bansang industriyal sa iba’t ibang lugar sa mundo. Sa ganitong kondisyon isinilang ang pilosopiyang pang-ekonomiya na kapitalismo. Isinulong ng laissez faire ang malayang pangangalakal at pagnenegosyo sa ibang bansa.







Sa pagpasok ng Pilipinas sa kapitalismo, may tatlong mahalagang patakaran ang ipinatupad. Ang unang patakaran ay pagpapahinto ng Kalakalang Galleon. Sunod naman ay ang opisyal nang binuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan. Pagkatapos ng Maynila, nagsunud-sunod ang pagbukas ng iba pang daungan sa Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
Ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan ay nagbigay-daan sa matinding pangailangan sa mga pananim na panluwas o export crops. Kabilang sa mga produktong ito ang bigas, asukal at iba pa. Bunga nito, maraming pananim ang iniluwas sa ibang bansa dahil sa pagkaroon ng pandaigdigang kalakalan.

Sa pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, nagsimulang makontrol ng ibang bansa ang takbo ng ekonomiya ng bansang Pilipinas. Dahil dito, maraming mabubuting epekto ng pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Isa na dito ang malaking pag-unlad sa impraestruktura ta teknolohiya lalo na sa agrikultura at pangangalakal.


Nagbago ang batayan sa pag-uuri ng tao sa lipunan matapos ang pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Ang kayamanan ang naging bagong batayan. Sa larangan ng yaman at edukasyon, nahigitan na sila ng isang panibagong uri. Tinatawag silang clase media o panggitnang-uri. Hangad nila na magkaroon ng kalayaan at karapatang politika ang mga Pilipino.

Ang nasyonalismo o makabansa ay nagsimula sa bansang Europa. Ang nangunguna sa mga ito ay ang pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal. Pinaigsi ng pagbukas ng Suez Canal ang paglalakbay mula Europa patungo sa Pilipinas. Nagresulta ito sa medaling pagpasok ng mga aklat sa bansa. Pero ipinagbawal ang pagbabasa ng mga aklat ang ilang mga Pilipino.
Pansamantalang nakaranas ng kaunting kalayaan ang mga Pilipino sa pamamahala ng liberal na gobernador-heneral na si Carlos Maria de la Torre. Ipinatupad niya ang ilang pagbabago sa lipunan tulad ng pagbabawas sa kontrol ng mga prayle sa edukasyon. Bunga nito, naging popular siya sa mga liberal na Espanyol at Pilipino.
Ang kamatayan ng tatlong pari, GomBurZa (Gomez, Burgos, at Zamora) ang nagwakas sa karapatan ng mga Pilipino. Malaking tulong ang pagiging pari ng GomBurZa sa pagpukaw ng damdamin ng mga Pilipino.
Matapos ang pagbitay sa tatlong pari, lumikas ang mga liberal na Pilipino at Espanyol na mga tagasuporta ng Kilusang Sekularisasyon upang maiwasan nila ang pag-aresto at pagpatapon ng pamahalaan.
May isang kilusan ang itinatag sa Europa. Tinatawag itong Kilusang Propaganda o Kilusang Repormista. Binubuo ito ng mga mag-aaral na Pilipino at Espanyol. Naging estratehiya ng Kilusang Propaganda sa paggamit ng mapayapang paraan upang makamit ang mga layunin nila.
Matapos ang kabiguan ng Kilusang Propaganda, isang lihim naman na kilusan na itinatag sa Maynila. Ito ay ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Ang mithiin lang ng KKK o Katipunan ay ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya.
Nagsilbing gabay ng mga kasapi ng Katipunan sa pang araw-araw na pamumuhay ang Kartilla ng Katipunan. Ito ay isinulat ni Emilio Jacinto na tinuguriang “Utak ng Katipunan”. Malaki ang papel ng mga Katipunero fdahil ipinakita nila ang kanilang katapangan para sa kalayaan ng Pilipinas.