Rebolusyong Pilipino
Nagsimula ang
Himagsikang Pilipino noong Agosto 19, 1896. Marami ang naaresto at ikinulong na
mga Katipunero matapos nadiskubrehan ng mga Espanyol ang Katipunan. Wala nang
mapagpilian pang pinuno maliban kay Andres Bonifacio. Ang pagpunit ng cedula sa
mga Katipunero ay sumisimbolo sa paglaya ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
Ang pagpunit ng
kanilang cedula sa Pugadlawin. Ito ang opisyal na pagsisimula ng mga
Katipunerong Pilipino laban sa mga Espanyol. Pero ang Sigaw sa Pugadlawin para
sa kalayaan ng Pilipinas bilang isa ay mula sa kolonyalismong Espanyol. Ito ang
nagbigay-daan sa pagtatag ng Pilipinas na nakilala bilang pinaka-unang
republika sa Asya.
Matapos magsimula ang
rebolusyon sa Cavite, dalawang Pamahalaang Rebolusyonaryo ang sabay na umiral
sa probinsya. Ito ay ang Pamahalaang
Magdalo at ang Pamahalaang Magdiwang.
Pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo ang Pamahalaang Magdalo at ang namumuno sa
Magdiwang ay si Mariano Alvarez. Pero ang dalawang pamahalaan ay ayaw
magtulungan sa pagtanggol ng kanilang teritoryo laban sa mga Espanyol. Bunga
nito, unting-unti nang nabawi ng mga Espanyol ang Cavite.
Ang paghahati ng mga
rebulosyonaryo sa Cavite ang nagtulak kay Andres Bonifacio bilang pinuno ng
Katipunan. Layunin ni Bonifacio ang pagtungo sa Cavite ang muling pagbuuhin ang
mga Katipunero. Nagpatawag siya ng pagpupulong sa mga kinatawan ng Magdalo at
Magdiwang sa Tejeros. Ang pagpupulong na ito ay nakilala sa tawag na “Kumbensiyong Tejeros”.
Ngunit sa halip na
maayos ang pagkahati ng mga rebulosyonaryo, ang Kumbensiyong Tejeros ay
nagbunga ng malaking suliranin sa buong bansa.
Sa halalan, nahalal ang
bagong pangulo ang Pamahalaang Rebulosyonaryo na si Emilio Aguiinaldo,
pangalawang pangulo si Mariano Trias, kapitan heneral si Artemio Recarte,
direktor ng pandigmaan sa Emiliano De Dios, at direktor na panloob si Andres
Bonifacio. Hindi sumangayon si Daniel Tirona sa posisyon ni Bonifacio dahil ang
posisyong direktor na panloob ay dapat isang abogado. Dahil sa pangyayaring
ito, pinawalang-bisa ni Bonifacio bilang Supremo ng Katipunan.
Nagkaroon ng maikling
labanan sa bayan ng Indang, Cavite upang arestuhin sa Bonifacio. Nang nagtamo
ng malalim na sugat sa lalamunan si Bonifacio, agad siyang inaresto. Noong Mayo
10, 1897, ang lahat ng katipunerong hinuli ay pinatay na walang kaawa-awa at si
Bonifacio naman ay binaril sa Bundok Tala sa Maragondon, Cavite.
Sa halip na mgakaroon
ng isang pamahalaan, lalo itong nagkawatak-watak. Ang bunga ng pagkamatay ni
Bonifacio ay ganap na nanghina ang Himagsikan.
Matapos namatay ni
Bonifacio, bumagsak ang Cavite sa kamay ng mga Espanyol. Noong Nobyembre 1897,
itinatag ni Aguinaldo ang isang bagong pamahalaan sa Biak-na-Bato. Tinawag
itong “Republika sa Biak-na-Bato”.
Noong Hunyo 12,1898 ay
ang pagproklamasyon ng Kalayaan sa Pilipinas. Ang musika ng pambansang awit ng
Pilipinas ay ginawa ni Julian Felipe. Samantala, sila Marcela Agoncillo,
Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa naman ang gumawa ng pambansang watawat.
Sa deklarasyong ito, maipapakita sa mundo na ang Pilipinas ay isang malayang
bansa. Dahil dito, nakakapunta na ang mga Pilipino sa labas ng Pilipinas o sa
ibang bansa.